Monday, October 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Anne, UMAPELA sa ‘Best Actress’ award ni Vice Ganda | It’s Showtime

Ilabas ang red carpet at pangmalakasang suit and gown dahil second year na ng ‘Showtime Awaaard’ na kinaaliwan ng buong bayan. Sa awards na ito, walang kailangang magpa-impress dahil kahit ang mga epic fail, puwedeng maging success. Ang “It’s Showtime” hosts with highlight moments na ‘di mailimutan ay nakatanggap ng playtime na karangalan.  

Nandito si Fyang Smith! Ang “PBB Gen 11” Big Winner ang nag-present ng unang parangal, ang ‘Ha Hakdog Award’ para sa host na ‘di natin ma-gets ang point. Nanguna sa nominees si Anne Cutis, na para bang kulang pa ang tatlong entries sa dami ng bulol moments, kaya siya ang panalo at tumanggap ng tropeo.  

Si Ruffa Gutierrez naman ang nag-present ng ‘Karir Na Karir’ Award para sa host na akala mo may mauuwing papremyo kaya give na give sa mga challenges. The award went to Ryan Bang for his impeccable ‘sea lion’ impersonation. 

At dahil hindi naman eme-eme lang ang okasyon, aba, may namuong tensyon! Kumontra si Anne nang masungkit ni Vice Ganda ang ‘Best Actress in an Eme-Eme Showtime Awaaard Consideration Role’ for her acting performance sa ‘MEMErimar’ skit sa ‘Laro Laro Pick.’ Hirit ni Anne, gawang-AI o Artificial Intelligence ang luha ni Vice, kaya hinamon niya ito at nagpakitang-gilas para patunayan kung gaano siya kabilis umiyak.  

Nahirapan man at may slight delay, lumaban si Meme hanggang sa pumatak din ang luha. Wala nang kokontra! Meme, ikaw na! But on a serious note, nabanggit ni Vice sa kanyang acceptance speech na dumaan ang ‘aktingan’ portion ng ‘Laro Laro Pick’ sa matinding bashing. Humingi siya ng matinding pang-unawa sa mga manonood na bigyan ng pagkakataon ang programa na mag-improve pa kung may segment man na hindi agad nagugustuhan ng viewers. Nagpasalamat din si Vice sa patuloy na pagmamahal at suporta ng Madlang People. 

Nag-tie naman sina Vice Ganda at Jhong Hilario sa ‘Words of Wisdom’ Award para sa mga inspiring words nila sa programa. Pinasalamatan ni Vice ang “It’s Showtime” bilang plataporma kung saan hindi lamang puro pagpapatawa ang naibabahagi ng hosts kundi mga mensahe rin na maaaring makatulong sa pinagdadaanan ng viewers.  

Samantala, ginawad naman nina Charo Santos at Annette Gozon ang “Pero Nay Aminin Mo Pwedeng Special Jury Citation ‘To” kay Vhong Navarro for his thought-provoking line, “Love is blind.”  

At ang mga ‘nahulog-log-log’ moments ni Ogie Alcasid ang pinarangala ng ‘The Fallen Star’ Award. Si Jugs Jugueta naman ang tumanggap ng ‘Best Live Sound Effects’ award, at nakuha ni Karylle ang ‘Wow Sabaw’ Award. At binigyang-pugay si Amy Perez with the ‘Lifetime Sa Showtime’ Award. 

Napasabak din sa joke time sina Kyle Echarri at “PBB Collab 2.0” ex-housemates Inigo Jose at Joaquin Arce na nag-present ng awards. Guest co-host naman si Bianca Umali.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply