Thursday, October 29, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

DTI: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin hanggang Disyembre 31

Ayon kay Trade Secretary Ma. Cristina Roque, mananatiling stable ang presyo ng basic necessities and prime commodities na saklaw ng monitoring ng ahensya hanggang December 31. 

“For now, no price increase po for the basic necessities and prime commodities until December 31, 2026,” ani Roque.

Sinabi rin ni Roque na walang dapat ikabahala ang publiko dahil sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin, kaya hindi kailangang mag-panic buying o mag-imbak nang sobra.

“There’s no need to panic and there’s no need to hoard. Marami po tayong supply,” dagdag niya.

Patuloy naman ang lingguhang pagmamanman ng DTI sa presyo ng basic necessities and prime commodities sa mga supermarket at grocery upang matiyak na nananatili sa loob ng suggested retail prices (SRPs) ang mga produktong saklaw ng ahensya.

Leave a Reply