Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Paggawa ng kabaong, hanapbuhay sa Sto. Tomas, Pampanga | Ibang Level To

Tinaguriang “Casket Capital of the Philippines” ang Sto. Tomas, Pampanga. Maraming residente rito ang gumagawa ng kabaong.

Dekada sitenta pa lang, buhay na ang industriya ng kabaong dito.

Sa paglipas ng panahon, may nagkaroon na ng innovation sa paggawa ng mga ataul.

Bukod sa tradisyunal na disenyo, matatagpuan na rin dito ang “Sleeping Beauty” design ataul na gawa sa glass panel ang gilid ng kabaong kaya’t kitang-kita ang yumaong gagamit nito.

Meron pang tinatawag na “Pagong” dahil round edge ang design nito at mala-pagong at itsura ng takip. 

Para naman sa mga mahihilig sa Hello Kitty, may ganito ring disenyo na ginagawa rito.

Ibang level ang dedikasyon ng mga Kapampangan sa sining na ito.

– Ibang Level To, October 31, 2026 
Mapapanood ang Ibang Level ‘To tuwing Sabado at Linggo simula November 7. Panoorin dito ang mga episode ng Ibang Level To.

Leave a Reply