‘Sinita sa pag-aabsent’: Nanay pinatay at hinulog sa septic tank ng 15-anyos na anak
Ayon sa Panglao Police Station, may humingi ng tulong sa kanila dahil nadiskubre ang napakaraming langaw sa septic tank. Courtesy: Marcelo Bongay Jr. via Annie PerezPANGLAO, Bohol — Patay ang isang 46-taong gulang na babaeng guro matapos umano pukpukin ng martilyo sa ulo ng kaniyang 15-anyos binatilyong anak.
Nagulat ang mga residente ng Barangay Looc, Panglao, Bohol nang matagpuan ang bangkay biktima sa loob ng isang abandonadong septic tank sa lugar noong Sabado, Oktubre 31.
Nakilala ang biktima na 46-taong gulang na babaeng guro.
Ayon sa Panglao Police Station, may humingi ng tulong sa kanila dahil nadiskubre ang napakaraming langaw sa septic tank.
Nang buksan ito ng barangay, nakita ang bangkay sa loob.
“Ang estimated time of death between 3:00 a.m. and 4:00 a.m. on October 31, 2026, with traumatic head injuries noted,” ani sa pahayag ng police station.
Sa hot pursuit operation, napag-alaman nilang ang 15-taong gulang na binatilyong anak ng biktima ang gumawa nito na umamin sa awtoridad kinalaunan.
Nagkaroon aniya ng alitan ang mag-ina dahil sa pag-aabsent at cutting classes ng bata.
“Ginamitan niya ng martilyo at hinataw nang apat na beses,” dagdag sa pahayag.
Ang binatilyo mismo ang kumaladkad sa katawan ng ina papunta sa septic tank at tinabunan ng mga bato upang maitago ito.
Nakuha naman ng pulisya ang murder weapon na itinago ng binatilyo sa loob na kanilang bahay.
Tanging ang mag-ina lang ang magkasama sa bahay, ayon sa PNP.
Isasailalim muna ang binatilyo sa intervention ng Department of Social Welfare and Development na ngayon ay kinilala bilang Child in Conflict with the Law.