Sunog sumiklab sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City; 4th alarm itinaas
Sunog sumiklab sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City; 4th alarm itinaas. Screenshots mula sa video ni Omar Al AbeidaniMAYNILA — Isang sunog ang sumiklab sa mga bahay sa Stanford Street, E. Rodriguez, Quezon City pasado alas-5 ng hapon nitong Lunes, November 2, 2026.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection o BFP, residential area ang tinutupok ng apoy.
Dakong 5:21 ng hapon nang itaas sa pang-apat na alarma ang sunog kung saan aabot sa 16 trak ng bumbero ang kailangang rumesponde.
As of 5:54 ng hapon, patuloy pang inaapula ng mga bumbero ang sunog.