TV PATROL: Mga dapat asikasuhin ng naulila kapag pumanaw ang mahal sa buhay
Ngayong Undas, pinapaalala sa bawat isa na hindi maiiwasan ang kamatayan, pero may mga bagay na puwede nating paghandaan habang buhay pa para hindi na madagdagan ang alalahanin at pasanin ng mga mauulila.
Kabilang rito ang pagsisimula ng isang tao, habang nabubuhay pa, na ipasa ang mga ari-arian sa kanyang mga tagapagmana.
Hindi rin naman kailangang harapin nang mag-isa ang lahat ng mga pananagutan sa pagpanaw ng mahal sa buhay.
Maaaring lumapit sa ahensya ng gobyerno na nakatutok sa mga funeral at death benefit at maaring humingi ng tulong sa mga propesyonal gaya ng abogado at accountant para mapadali ang proseso.
Alamin kung paano isasaayos ang mga bayarin ng yumao, paghati-hati ng kanilang mga ari-arian at mga makukuhang benepisyo sa pagpanaw ng mahal sa buhay sa pagpapatrol ni Andrea Taguines. TV Patrol, Lunes, 2 Nobyembre 2026.