Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Peking duck, palaka, kuneho: Halos 350 kilo ng smuggled at hot meat nakumpiska sa Pasay; 2 Chinese arestado

Courtesy: NMIS

MAYNILA — Arestado ang dalawang Chinese sa entrapment operation sa isang bahay sa Leveriza Street, Pasay City matapos mahulihan ng iba’t ibang frozen meat products na walang kaukulang dokumento nitong Martes ng gabi. 

Ayon kay National Meat Inspection Service (NMIS)  Executive Director Dr. Fernando Lontoc, aabot sa halos 350 kilo ng samu’t saring karne ang kanilang nakumpiska, gaya ng mga imported meat ng yellow chicken, peking duck, at palaka. Mayroon ding local meat ng rabbit, black chicken at gansa.

Tinatayang aabot sa P183,000 ang halaga ng mga nasabat na karne sa apat na freezer sa loob ng bahay kung saan naabutan ang dalawang Chinese national.

“Natunugan ng kasama natin sa NBI, so talagang ito ay almost month-long na surveillance na ginawa ng NBI at ito’y dinulog sa atin nung positive ang kanilang operation,” ani Lontoc.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ibinebenta ng mga suspek online ang mga produkto sa mas mababang presyo.

“Ang nakikita namin ay mga Chinese rin yung mga kliyente nila. Kapwa nila Chinese,” sabi ni Lontoc.

Galing Tsina ang karamihan sa mga karne na smuggled at walang kaukulang dokumento.

“Ito’y galing sa country na hindi natin ina-allow na mag-export dito sa atin. Hindi natin nakita yung proseso kung paano nila kinakatay at hina-handle ito, baka ito’y magdulot ng health hazard sa mga taong kakain. Wala silang maipakitang dokumento,” paliwanag ni Lontoc.

Nagbabala naman ang NMIS sa mga bumibili ng karne online lalo ngayong holiday season na maging mapanuri at hanapan ng meat inspection certificate ang seller para makasigurong ligtas ang ikokonsumo.

“Ang ating mamimili kung minsan ay natutukso sa mga ganito kasi nga medyo mura. ‘Wag na tayo magbakasakali. Siguraduhin natin yung pinagkukuhanan natin ay tiyak at may kaukulang dokumento,” dagdag ni Lontoc.

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation ang dalawang naarestong Chinese national na mahaharap sa reklamong paglabag sa Meat Inspection Code of The Philippines.


IBA PANG BALITA: 

Leave a Reply