TV PATROL: Higit 100 pet owners nagreklamo sa NBI at PNP vs pet crematorium
Higit isandaang fur parents ang pormal na nagreklamo sa NBI at Bacoor PNP laban sa isang pet crematorium na umano’y nanloko sa kanila. Samantala, binuksan na ang pinaglagyan ng mga sako ng patay na hayop sa Bulacan. Nanawagan naman ang PAWS at Animal Kingdom Foundation ng mas mahigpit na batas sa pet cremation at aftercare services.
Inihahanda na NBI ang mga kaso laban sa pet crematorium. Posibleng isailalim sa forensic examination ng PNP ang mga abong naibalik sa fur parents. Nagpapatrol si Zyann Ambrosio. TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026