TV PATROL: Kuwento ng mga maimpluwensyang babae ipasisilip sa ‘Manila Matriarchs’
Mula sa kuwento ng apat na babaeng matagumpay, makapangyarihan at maimpluwensya hanggang sa mga kuwento ng pag-ibig, paghihiganti at pagtataksil, iba-ibang bagong palabas ang handog ng iWant ngayong Nobyembre.
Tampok sa ‘Manila Matriarchs’ sina Joanna Preysler-Francisco, Myrza Sison, Trisha Bantigue-Tsao at singer-host na si Karylle.
Balik-tambalan naman sina Kolette Madelo at River Joseph sa bagong vertical series na “Dead Girl Walking.”
Kwento naman ng isang misis na handa nang bumawi ang pagbibidahan ni Jane Oineza sa vertical series na “The Perfect Wife.”
Mapapanood din sa iWant ang uncut version ng ‘Gandang Gabi Vice’ kung saan inamin ni Gian Bernardino ng Cup of Joe na dati niyang crush si Maki.