Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Vice Ganda, may magandang payo sa mga taong madalas mag-overthink | It’s Showtime

Ngayong Martes, for sure panibagong trending sa mga marites ang puksaan ng new batch of candidates sa Miss Q and A. Ipagkalat n’yo na ang husay at aliw na hatid nina Brianna Isabela Apostol, Solenn Seige Garcia Centino, at Zaidrin Garcia.  

Sa rampa pa lang ni Brianna, halata na agad na batak siya sa pageants. Samantala, trying to be okay and happy naman si Solenn, na fresh from breakup just two weeks ago. Kahit nasasaktan pa rin, tinuturuan niya ang isip na maging matatag, reminding herself that she’s going to be okay. 

Sabi nga ni Vice Ganda, normal lang sa isip ng tao ang mag-overthink pero maganda ang mindset ni Solenn dahil nagagawa nitong kontrahin ang lungkot at negatibong bagay na pumapasok sa isip. Dagdag nga ni Brent Manalo, malaking tulong ang kakayahan na kontrolin ang isip. 

Back to the pageant, pinanindigan ni Zaidrin ang pagiging ‘laro’ of the day, with her ‘amats’ answers sa Tumpak Ganern round. Hirit ni Meme, ayaw na niyang kausapin ang kandidata. Nakakaloka! 

Pagdating ng Wit Lang, sina Solenn at Brianna ang nagharapan. Nabunot ni Brianna ang tanong na, “Kung tinamaan ka sa mukha ng bato bato sa langit, ‘di ka ba magagalit?” At ang kaka-break lang sa jowa na si Solenn, humugot sa tanong na, “Kung tinapay ka, sasaya ka ba kung putok ka?” 

Sasaya talaga si Solenn dahil siya ang itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply