Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Pabrika sa Subic Bay Freeport Zone, nasunog

COURTESY: SBMA – Armie Llamas

Nasunog ang malaking bahagi ng isang factory sa Subic Gateway Park Phase Two sa Subic Bay Freeport Zone, Zambales, Miyerkules ng gabi. 

Ayon sa ulat ni Armie Llamas ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), makikita sa mga kuha ng drone ang makapal na usok na bumalot sa lugar, habang nadamay din sa sunog ang ilang katapat na gusali.

COURTESY: SBMA – Armie Llamas

Pinaniniwalaang nagpabilis sa pagkalat ng apoy ang mga telang suplay at plastik na materyales sa loob ng pabrika.

Sa ngayon, wala pang opisyal na ulat kung may nasugatan o nasawi sa insidente.

Patuloy naman ang pag-apula at clearing operations ng mga bumbero, habang iniimbestigahan na rin ang pinagmulan ng sunog, Huwebes ng umaga. 

IBA PANG ULAT:

Leave a Reply