TV PATROL: 5 sangkot sa nakawan, patay sa engkwentro sa Cavite; 2 suspek dating pulis
Dawit umano sa nakawan sa Metro Manila at CALABARZON ang robbery gruop na nakaengkuwentro ng Philippine National Police sa Bacoor City, Cavite nitong Martes.
Nahagip sa CCTV ang naging habulan ng awtoridad sa mga suspek na muntik pang makabangga ng jeepney palabas ng Molino Road.
Lima ang patay sa madugong habulan at bakbakan sa pagitan ng mga pulis at suspek.
Ayon pa sa PNP, dating pulis ang dalawa sa mga suspek.
Patuloy namang tinutugis sa ngayon ang dalawang kasabwat ng mga suspek, kabilang ang nagpanggap na guwardya.
Nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.