Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Bagong Unified PWD ID ipinatupad para iwas-peke

Hinihikayat ng National Council for Disability Affairs ang nasa 2.9 million na persons with disability na magparehistro sa bagong Unified PWD ID. 

Ito’y para tuluyan na umanong maiwasan ang pamemeke sa mga ID para lang makakuha ng diskwento kahit pa ang ibang meron nito ay wala naman talagang kapansanan o kundisyon.

Dahil bago ang UPWDID, kailangan muling mag-register ng mga PWD sa mga Person With Disabilities Affairs Office o PDAO sa mga lokal na pamahalaan.

Paliwanag ng NCDA, sa ilalim ng bagong sistema, madaling malaman ngayon kung sino ang namemeke ng PWD ID. 

Pagsapit ng 2030, ipe-phase out na ang mga lumang klase ng PWD ID.

Nagpapatrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.

Leave a Reply