TV PATROL: Bata patay nang magulungan ng SUV sa Baseco, Maynila
Patay ang isang batang babae matapos magulungan ng SUV sa Baseco, Maynila.
Sa pag-iyak at mahigpit na yakap sa larawan idinadaan ni Sfica Ulama ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak na si Jasmera.
Sa kuha ng CCTV, makikita na naglalaro si Jasmera. Maya-maya pa dumating ang isang SUV at lumiko papunta sa kanyang direksyon at tuluyan na siyang nasagasaan.
Nailibing na ang mga labi ng bata.
Nasa kustodiya na ng Manila District Traffic Enforcement Unit o MDTEU ang SUV at nakakulong na ang driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026