Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Ilang basic, prime commodities na hindi sakop ng SRP nagmahal ang presyo

Ilang basic at prime commodities na hindi sakop ng Suggested Retail Price ang kapansin-pansing nagmahal ang presyo nitong mga nakalipas na linggo.

Nagrereklamo naman ang mga manufacturer ng sardinas dahil hindi umano sila kinonsulta ng gobyerno bago idineklarang walang paggalaw sa presyo ng sardinas hanggang dulo ng taon.

May mga brand o variant ng sardinas na pasok sa SRP kaya hindi nila magagalaw ang presyo kung hindi papayagan ng gobyerno.

Nangako naman ang manufacturers ng de latang karne na hindi gagalawin ang presyo hanggang dulo ng 2026.

Hindi pa naglalabas ang Department of Trade and Industry ng suggested budget para sa noche buena, pero noong nakaraang taon sinabi ng DTI na kasya na ang P500 — bagay na binatikos ng publiko.

Nagpapatrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.

Leave a Reply