Miss Q&A ‘Seniors,’ inalala ang mga baluktot na paniniwala noong ‘kapanahunan’ nila | It’s Showtime
Sabi nila, respect your elders, kaya saludo tayo sa mga seniors na sa dami ng karanasan ay matatawag na certified life achievers. This Thursday sa Miss Q and A segment ng “It’s Showtime,” nagkasukatan ng seniority at timeless wit at beauty.
Ang ating senyoritang sosyal at elegante, rumampa sa Miss Q&A, walang iba kundi si Señora Danica Parong Evidente. Sa isang titig niya baka ikaw ay matulala, walang kupas ang karisma ni Medusa Valentina Galema. At kayo na raw ang humusga kung tao ba o hayop si candidate Exotic Tayop.
Biro ng hosts, tatawagin nating “Miss Q and A” Senior Edition ang segment for today’s video dahil may twenty percent discount na ang mga ‘lola’ n’yo. Pero sa kulitan, full price ang tawanan. May aral din na mapupulot tungkol sa mga pangarap na hindi dapat ibaon na lang sa limot. Dahil age is just a number, pero ang ‘slayable’ attitude will last forever.
Si Medusa ang unang nag-bow sa entablado. At ang dalawang natitirang kandidata ay sa Wit Lang nagsalpukan. Better late than never! Natagalan man ang pagbabalik nila sa stage, worth the wait naman ang answers nilang savage.
Nabunot ni Danica ang tanong na, “Anong pakiramdam ng baby oil kapg tinatawag siyang baby pero oily naman siya?” Si Vice Ganda, pabirong nainip, kaya hirit niya, tama na bibigyan na lang niya ito ng five ‘kwit.’ Chumukchak naman si Exotic Tayop as she took on the question, “Kung sinabihan kang oras mo na, mga what time kaya ito?”
Oras na para ang korona ay iputong sa ulo ni Exotic Tayop, ang itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.