TV PATROL: Andap naranasan sa Atok, Benguet sa gitna ng super El Niño
Nakaranas ng unang andap ngayong Amihan season ang mga residente ng Atok, Benguet ngayong Huwebes, sa gitna ng umiiral na super El Niño.
Sa mga larawang ibinahagi ni Bayan Patroller Bobby Apit, nabalot ng manipis na yelo na tila kristal ang mga halaman at damo sa paligid ng kanilang lodge sa Barangay Paoay.
Naitala ng PAGASA ang temperaturang 12.6 degrees Celsius sa Atok.
Nabubuo ang andap sa pagbaba ng temperatura sa matataas na lugar, kapag kalmado ang hangin, walang ulap, at maraming moisture.
Kasalukuyang nakaaapekto ang Amihan sa northern Luzon at nauna nang sinabi ng PAGASA na kahit may El Niño, posible pa rin ang paglamig sa gabi at madaling-araw.
TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026