Thursday, November 5, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Binatilyo sinaksak ng lasing na lalaki sa Cabarroguis, Quirino

Sapul sa CCTV ang pananaksak ng isang lasing na lalaki sa isang binatilyo sa Cabarroguis, Quirino.

Sa CCTV video, nakatambay sa isang tindahan sa Barangay Zamora, ang kinse-anyos na biktima kasama ang kaibigan pasado alas-diyes ng gabi. 

Ilang saglit pa, may dumating na lalaking nakamotorsiklo, at huminto sa tapat ng tindahan.

Kinumpronta ng lalaki ang magkaibigan, tungkol sa umano’y maingay na pagpapatakbo ng motorsiklo nang biglang bumunot ng kutsilyo ang suspek, at inundayan ng saksak ang biktima bago tumakas. 

Naitakbo sa ospital ang binatilyo at patuloy na nagpapagaling. 

Naaresto ng mga pulis ang suspek na umaming lasing nang gawin ang krimen, at napagkamalan lamang ang biktima.

Sinampahan na ang suspek ng reklamong frustrated murder.

TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026 

    

Leave a Reply