TV PATROL: BJMP: Hindi inilalabas sa selda si Romualdez maliban sa sunning exercise
Binawi ng columnist na si Ramon Tulfo ang kanyang mga alegasyon, na nakalalabas-pasok umano si dating House Speaker Martin Romualdez sa detention facility.
Samantala, inamin ng BJMP jail warden na may personal staff si Romualdez na tumutulong sa kanyang mga pangangailangan habang nakaditene.
Pinagpaliwanag ng Sandiganbayan third division si Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion tungkol sa estado ng pagkakaditene ni Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas.
Ito’y matapos akusahan ng columnist na si Ramon Tulfo na pinapatay umano niya ang kuryente sa detention facility para makalabas-pasok si Romualdez sa piitan nang hindi nakukunan ng CCTV footage.
Paglilinaw ni Pacion, tatlong linggong nanatili ang congressman sa infirmary ng Payatas jail, bago dinala sa kanyang selda, na dating kwarto ni dating Senator Bong Revilla.
Hindi rin umano siya inilalabas sa selda maliban sa oras ng sunning exercise.
Inamin naman ni Pacion na may personal staff si Romualdez, na nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan sa loob ng piitan. TV Patrol, Huwebes, Nobyembre 5, 2026