Thursday, November 5, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Inflation noong Oktubre sumipa sa 7.8%

Sumipa sa 7. 8% ang inflation noong Oktubre mula sa 7.2% noong Setyembre. Ito na ang pinakamataas simula noong Pebrero 2023.

Kasama ang bigas, sa mga pangunahing dahilan kung bakit lalo pang bumilis ang inflation o yung bilis ng paggalaw ng presyo ng bilihin at serbisyo noong Oktubre.

Dagdag ng PSA, nag-ambag din sa mas mataas na inflation rate ang pagtaas ng kuryente at LPG,  pati na rin ang fare hike sa mga jeep at bus gayundin ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo. 

Ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin, patuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong sektor at pagpapalakas sa produksyon ng agrikultura. 

Nagpapatrol, Johnson Manabat. TV Patrol, Huwebes, Nobyembre 5, 2026

Leave a Reply