Thursday, November 5, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kasong estafa inihahanda vs mga nagtapon ng mga labi ng alagang hayop

Naghahanda na ang National Bureau of Investigation sa pagsasampa ng 25 counts ng Estafa laban sa mga indibidwal na umano’y nagtapon sa labi ng mga alagang hayop sa Bulacan, sa halip na isailalim sa cremation.

Pero may panibago namang natuklasang tapunan ng mga labi ng alagang hayop sa barangay Muzon East sa parehong lungsod.

Kwento ni Barangay Chairwoman Joy Celis, halos isang linggo na nang mapansin nilang may mabahong amoy na nagmumula sa bakanteng loteng ito.

Pinuntahan ng Animal Welfare advocate na si Chris Taylor ang lugar kung saan natagpuan ang hindi bababa sa sampung labi ng mga aso’t pusa.

Ang ilan, may kasama pang mga laruan at damit.

Magsasagawa naman na ng inspeksyon ang barangay kung may iba pang labi ng hayop na itinapon sa iba pang lugar na kanilang nasasakupan.

Nagpapatrol, Bianca Dava.

TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026 

Leave a Reply