Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga kabataan nag-riot sa Sampaloc, Maynila; 3 kabilang ang pulis, sugatan

Tatlo ang sugatan kabilang ang isang pulis sa riot sa Sampaloc, Maynila.

Sumiklab ang gulo sa bahagi ng Fajardo Street, Barangay 535 sa Sampaloc, Maynila matapos na magpang-abot ang dalawang grupo na karamihan ay mga kabataan.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at inaresto ang dalawang nasa hustong edad na sangkot umano sa away, pero nagpumiglas at nagtangkang tumakas ang isa sa kanila.

Dito na nabagsakan ng hagdan ang pulis na ikinasugat nito.

Handa naman ang Philippine National Police na sumagot sakaling may magreklamo matapos na makuhanan sa CCTV na tila hinampas ng pulis ang isa sa mga inaresto habang nakasakay sa motorsiko ng pulis.

Iyan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.

Leave a Reply