Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Thomas Markle Jr. ‘person of interest’ na sa imbestigasyon sa ama

Itinuturing na person of interest si Thomas Markle Jr. sa imbestigasyon sa umano’y libo-libong maseselang litrato at video na sinasabing pag-aari ng kanyang amang si Thomas Markle Sr. 

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, inaalam ang posibleng pagkakasangkot ni Markle Jr. sa mga ulat na ilang menor de edad na babae ay dinadala sa kanyang bahay sa Cebu. 

Nagsimula ang imbestigasyon nang madiskubre ni Markle Jr. ang mga litrato at video sa naiwang gamit ng kanyang ama sa Cordova, Cebu. 

Nakita sa mga gadget ang sinasabing imahe ng mga bata na sa pagtatantya ng mga awtoridad ay may edad na 10 o 11. 

Si Markle Jr. ay ang half-brother ni Meghan, Duchess of Sussex. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.

Leave a Reply