TV PATROL: Phase 2 ng EDSA rehabilitation magpapatuloy simula Nov. 6-8
Magpapatuloy ang phase 2 ng EDSA rehabilitation simula ngayong Biyernes ng gabi hanggang sa Linggo, November 8.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, simula alas diyes Biyernes ng gabi, isasagawa ang concrete reblocking sa EDSA northbound, partikular sa SM Megamall Building B hanggang EDSA White Plains Avenue.
Isasagawa naman ang asphalt overlay sa southbound, partikular sa EDSA Main Avenue bus station, hanggang EDSA Annapolis Street.
Mananatili namang bukas ang ibang lanes habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
Pinaalalahanan naman ng DPWH ang mga pribadong sasakyan na para lamang sa mga bus ang EDSA bus lane.
Pinapayuhan din ang mga motorista na mag-ingat, sumunod sa traffic signs, at gumamit ng alternatibong ruta.
Muling bubuksan sa trapiko ang lahat ng lanes na sumailalim sa reblocking sa Lunes, November 9, alas-singko ng umaga. TV Patrol, Biyernes, 6 Nobyembre 2026