Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV Patrol: Sen. Robinhood Padilla dumalo sa preliminary investigation ng DOJ

Dumalo sa preliminary investigation ng Department of Justice si Senador Robin Padilla kaugnay ng kinakaharap na reklamong obstruction of justice.

Kasama ang kanyang abogadong si Atty. Henry Balteza, isinumite nila ang tatlumpu’t tatlong pahinang counter-affidavit. 

Giit ng senador, walang basehan ang reklamo dahil walang umiiral na opisyal na arrest warrant mula sa lokal na korte laban kay Senador Ronald Dela Rosa nang umangkas siya sa sasakyan ni Padilla.

 Matatandaang nag-ugat ang reklamo ng PNP kay Padilla sa umano’y pagtulong niya kay dela rosa na makaalis sa compound ng senado noong mayo para maiwasan ang warrant of arrest ng International Criminal Court.

 Nakatakdang bumalik sa November 27 sa DOJ si Padilla para sa pagpapatuloy ng preliminary investigation. TV Patrol, Biyernes, Nobyembre 6, 2026

Leave a Reply