Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Darren, may gustong alamin kay Jeo Ong Hilario | It’s Showtime

Kung sa “Pinoy Big Brother” ay may weekly tasks na dapat mapagtagumpayan, sa “It’s Showtime” naman ang may isang host na ‘big winner’ pagdating sa kakulitan.

Aliw ang pagsisimula ng Miss Q and A segment sa November 7 episode ng “It’s Showtime.” Binanggit nina Vhong Navarro at Jackie Gonzaga na may special announcement si Kuya dahil may isang housemate na pinalabas ng bahay pansamantala. Biro ng ibang hosts, baka ‘kakilala’nila ang pinalabas na housemate.

Laroooo! Lahat ay napatili nang buksan ang ‘pinto’ dahil ang tumambad si Sample King Jhong Hilario, with bandana at may floor mop pang dala. Jeo Ong, is that you! Call him Jeo Ong Hilario!

Ano kaya ang special task ni Jeo sa “It’s Showtime” studio? At dahil nasa ‘outside world’ si Jeo, inusisa siya ni Darren Espanto, na kinumusta ang ‘amoy’ sa loob ng Bahay Ni Kuya. Pero sabi nga ni Jeo Ong Hilario, love and peace lang ang pairalin, and stop the bashing. Dagdag hirit ni Vhong, lahat ng housemates ay mababango!

Mabango na parang bulaklak na humahalimuyak ang beauty at wit ng mga kandidata sa weekly finals ng Miss Q and A. Nagbabalik sina Jov Prado, Solen Siege Garcia Centino, Angel Grey, Exotic Tayop, t Carla Aguilar Rodrigo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply