Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 3 nalunod sa beach sa Sta. Magdalena, Sorsogon

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang bakasyon ng isang grupo noong Undas. 

Nalunod sa beach ang tatlo nilang kasamahan sa Sta. Magdalena, Sorsogon noong Miyerkules. 

Ayon sa PNP, naliligo sa dagat ang mga biktima kasama ang iba pang indibidwal nang tangayin sila ng malalakas na alon. 

Inabot pa ng ilang oras bago narekober ang labi ng dalawang biktima.

Huwebes na ng tanghali nang matagpuan ang labi ng isa pa sa mga nalunod. 

Ayon sa awtoridad, malakas ang agos at higop ng tubig sa naturang bahagi ng dagat, lalo na kapag masama ang panahon. 

TV Patrol, Sabado, 7 Nobyembre 2026

Leave a Reply