TV PATROL: Big-time rollback sa presyo ng petrolyo aarangkada sa Nov. 10
Malaki-laki ang inaasahang rollbak sa presyo ng petrolyo sa Martes, November 10.
Ang diesel, maglalaro sa apat hanggang limang piso ang bawas-presyo kada litro.
Ang gasolina naman, thirteen hanggang fourteen pesos ang inaasahang tapyas sa presyo, habang ang kerosene, may lima hanggang anim na pisong rollback sa kada litro.
Ilan sa pangunahing dahilan ng big-time rollback ay ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, positibong pananaw sa kapayapaan sa Middle East at paglakas ng piso kontra dolyar.
TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026