TV PATROL: Pagbibitiw ni Bishop Leopoldo Jaucian ng Bangued tinanggap na ni Pope Leo XIV
Tinanggap na ni Pope Leo XIV ang pagbibitiw ng sisentay sais anyos na si Bishop Leopoldo Jaucian bilang obispo ng Diocese ng Bangued, Abra.
Inanunsyo ng Vatican ang desisyon nitong Sabado sa ilalim ng Canon 401, Paragraph 2 ng Code of Canon Law kaugnay sa mga obispong hindi na kayang gampanan ang kanilang tungkulin dahil sa malubhang karamdaman o mabigat na rason.
Taong 2007 nang maitalagang obispo ng Bangued si Jaucian na Chairman din ng CBCP Episcopal Commission on Mission at isa sa tatlong aktibong obispong bahagi ng Society of the Divine Word.
Sa kanyang pagbibitiw, naging pito na ang bakanteng ecclesiastical territories sa Pilipinas.
TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026