Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lalaking hindi naka-seatbelt nasita sa checkpoint; di lisensyadong baril nakumpiska

Arestado ang isang 26-anyos na lalaki matapos mahulihan ng walang lisensyang 9mm pistol sa police checkpoint sa Ormoc City, Leyte, nitong Sabado. 

Pinara sa checkpoint sa Barangay Doña Feliza Mejia ang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelt, ayon kay Eastern Visayas police chief PBGen. Romano Cardiño. 

Habang iniisyu ang kaukulang citation ticket, napansin umano ng mga pulis ang isang baril sa kanang bahagi ng driver’s seat.

Nang inspeksyunin, natukoy na isa itong 9mm pistol na may nakakabit na magazine na kargado ng walong bala.

Nabigo umanong magpakita ang suspek ng mga dokumentong magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng baril kaya agad siyang inaresto.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon sa PRO8, hindi lamang pagpapatupad ng batas-trapiko ang layunin ng mga checkpoint kundi pagkakataon din ito upang matukoy ang iba pang paglabag sa batas at mapanagot ang mga sangkot dito.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga checkpoint at iba pang operasyon upang matukoy at mapigilan ang iba’t ibang uri ng paglabag sa batas,” ani Cardiño.

IBA PANG BALITA:

Leave a Reply