“Paano kung tayo na lang?” Darren, may ‘PATAMA’ kay Jackie?! | It’s Showtime
Kumusta ang gising ng mga main character ngayong ika-walo ng November? Sana fresh ang feeling dahil today ikaw ang bida sa sarili mong eksena.
Kilig-kiligan ang ekena nina Darren Espanto at Jackie Gonzaga. Pero hindi pa ‘to “Laro Laro Pick!” Kaya ang mga ngitian at tinginan, para bang hindi basta wala lang. “Paano Kung Tayo Na Lang,” tanong ni Darren sa bagong kanta na ipinarinig sa Madlang People. Hirit naman ni Jackie, pwede namang itanong nang personal. Hala! Baka may ma-fall!
Mafo-fall ka talaga sa DaCkie moments na tampok sa music video ng awitin. Pati “It’s Showtime” hosts hini mapigilang kiligin!
Umeksena rin ang mga ‘baks’ na kuma-comeback sa Miss Q and A ng “It’s Showtime.” Going back to “Miss Q and A” to get that crown ngani! Fiercer and slayable than ever ang Resbakulawan queens na sina Affarah Deur, Angel Umbac, at Ivern Doroteo for that coveted second chance sa entablado.
Pagkatapos ng kulitan, agad sumabak ang tatlong kandidata sa mga tanong na laro man sa inyong pandinig pero ang talak ay seryoso nilang igi-give.
Nabunot ni Affarah Deur ang tanong na, “Kapag nagsuot ng jumper dapat ba tumatalon rin?” With full confidence rin na ipinaliwanag ni Angel ang kanyang chukchak kung bakit mga tao ang naaabala sa ‘problems’ ng Math. At Ivern-ready to be witty si Ivern na napaisip kung sasali ba siya sa fun run kahit malungkot siya.
Sina Affarah Deur at Ivern ang umabante sa Beklamation, kung saan nilabas nila ang gigil and intense emotion sa tanong na, “Kung matagal ka nang iniwan ng magulang at biglang bumalik nang may kailangan, may obligasyon ka ba sa kanya?”
Kaninong talak ang tunay na tumatak? Walang iba kundi ang sagot ni Ivern na pak na pak! Si Ivern ang nakasungkit na korona as today’s Reyna Talak-Era.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.