TV PATROL: Cristy Fermin at Rommel Chika humarap sa NBI
Humarap sa NBI sina showbiz hosts Cristy Fermin at Rommel Chika kaugnay ng reklamong isinampa ng aktres na si Claudine Barretto.
Ayon kay Fermin, desisyon aniya nilang humarap sa imbitasyon ng NBI, bilang respeto sa ahensya para maagang maresolba ang reklamo.
Paglilinaw ni Fermin, hihintayin muna nilang gumulong ang reklamo sa piskalya, bago sila magbigay ng kanilang pahayag ukol dito.
Sa kabila ng reklamo, iginiit ni Fermin na tuloy sa pag-ere ang kanilang programa.
Nauna rito, inireklamo ni Barretto ng cyberlibel sa NBI ang dalawang hosts, dahil umano sa walang tigil na pasaring sa kanya.
TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026