TV PATROL: DA ipagbabawal ang pagpasok ng imported na karneng baboy sa loob ng 60 araw
Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture ang importasyon ng karneng baboy sa loob ng 60 araw, pero masyadong naiigsian dito ang mga hog raiser.
Halos wala rin anilang epekto ito sa kanilang kabuhayan lalo’t nanatiling mababa ang taripa sa imported pork.
Ayon sa Agriculture Department, magiging epektibo ang imporation ban sa November 24, o 15-araw matapos mailathala ang kautusan para dito.
Ayon sa DA, nakapagpadala na rin ito ng kasulatan sa tariff commission para sa pag amyenda ng taripa ng imported na baboy.
Sinusubukan ng ABS-CBN news na kunin ang panig ng Tariff Commission, subalit wala pa silang tugon sa ngayon.
Kasabay nito, tiniyak ng kagawaran na may sapat na supply ng karneng baboy sa bansa na tatagal sa loob ng 170-araw kahit pa inaasahang tataas ang demand dahil sa holiday season.
Nagpapatrol, Johnson Manabat. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026