TV PATROL: Kwento ni Mary Jane Veloso tampok sa dokumentaryong ‘Basta’t Maghintay Ka Lamang’
Matapos pagkalooban ng absolute pardon ngayon taon, ano nga ba ang tunay na kahulugan para kay Mary Jane Veloso ng ganap na kalayaan at paano muling sasabay sa usad ng lipunan matapos ang mahigit labing anim na taong nasa loob ng piitan?
Tampok ang kuwento ni Mary Jane sa bagong ABS-CBN News documentary na ‘Basta’t Maghintay Ka Lamang’ ni Zen Hernandez.
Mapapanood na ang ‘Basta’t Maghintay Ka Lamang: The Story Of Mary Jane Veloso’ sa ABS-CBN News Youtube channel mamaya lang pagkatapos ng TV Patrol.
TV Patrol, Lunes, 9 November 2026.