TV PATROL: Magkaibigan nagnakaw ng mga baterya ng truck, panabong na manok
Arestado ang magkaibigang tumangay sa mga baterya ng truck sa Cainta, Rizal.
Suspek din sila sa pagnanakaw ng panabong na manok sa isang farm sa lugar.
Mag-a-alas-sais ng umaga ng Sabado, nang makuhanan ng CCTV ang pumaradang tricycle sa tabi ng puting truck sa Hope Street, Barangay San Andres.
Lumapit ang isa sa dalawang sakay ng tricycle sa truck at kinalikot ang gilid nito hanggang sa makalas at matangay ang dalawang baterya.
Pero hindi pa pala tapos ang pagnanakaw ng magkaibigang suspek.
Sa isa pang CCTV, nahagip ang pagtakas nila, habang tangay ang dalawang panabong na manok na ninakaw sa loob ng isang subdibisyon.
Dahil sa isang tip sa barangay, natunton ang mga suspek sa kanilang mga bahay sa bayan ng taytay.
Kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek na nahaharap na sa kasong pagnanakaw.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026