TV PATROL: Dalawang grupo ng hackers na umano’y responsable sa BIR at SEC breach tukoy na
Tukoy na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang mga umano’y nasa likod ng mga insidente ng data breach sa Bureau of Internal Revenue at Securities and Exhange Commission.
Nauna rito, nakatanggap ng personal data breach notifications mula sa ilang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga indibiwal sa likod ng dalawang grupo ng hackers na umako ng responsibilidad sa insidente. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.