TV PATROL: Dingdong at Marian agaw-pansin sa star-studded premiere ng ‘Remember’
Ngayong gabi na ang inaabangang premiere night ng Star Cinema movie na ‘Remember’ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Dumalo sa okasyon ang mga kaibigan nina Dingdong at Marian sa industriya, iba pang artista, ilang influencers at fans na todo-cheer para sa dalawang bida.
Sa panayam sa TV Patrol, nagbiro si Dingdong na hindi lang tissue kundi tuwalya ang dapat dalhin sa sinehan, habang sinabi ni Marian na hindi lang iyakan kundi pag-asa ang dala ng kanilang pelikula.
Good news naman sa fans abroad dahil bukod sa Philippine premiere nito sa Miyerkules ay agad din itong ipalalabas sa ibang bansa.
Mula Mandaluyong City, nagpapatrol si MJ Felipe. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.