TV PATROL: Hollywood star Angelina Jolie nasa bansa na para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit
Dumating na sa bansa ang Hollywood star at humanitarian na si Angelina Jolie para sa 2026 ASEAN Summit!
Guest speaker si Jolie sa isang session ng 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na gaganapin sa Maynila bukas, Miyerkules.
Nakasentro ang talakayan sa pag-asa at katatagan ng bansang Cambodia. Makakasama ni Jolie sa naturang ‘fireside chat’ ang Cambodian filmmaker na si Rithy Pahn na co-producer niya sa pelikulang “First They Killed My Father.”
Kinilala din ng organizers ang ilang dekadang pagtulong nina Jolie at Pahn sa mga komunidad sa Cambodia na nauwi sa pangmatagalang pagbabago. TV Patrol, Martes, 10 November 2026.