TV PATROL: Ilang gasolinahan bigong magpatupad ng big-time rollback sa gasolina
Natuwa ang mga motorista sa malaking bawas-presyo sa gasolina simula ngayong Martes.
Pero may ilang gasolinahang pagpapaliwanagin ng Department of Energy dahil hindi buong ipinatupad ang halos P17 na tapyas sa presyo ng gasolina.
Ito na ang pinakamalaking rolbak sa gasolina sa taong ito.
Paliwanag ng DOE, dahil di pa tapos ang giyera sa gitnang silangan, nasa ilalim pa rin ng State of Energy Emergency ang Pilipinas kaya gobyerno ang may mandatong magkwenta ng galaw sa presyo ng petrolyo kada linggo sa kabila ng pag-iral ng oil deregulation law.
TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026