Tuesday, November 10, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga apektado ng clearing ops sa paligid ng ASEAN Summit venue may tulong pinansyal

Naglabas ang Deparment of Social Welfare and Development ng ayudang pinansyal at food packs para sa maliliit na negosyong apektado ng clearing operations sa paligid ng venue ng 49th ASEAN Summit. 

Ayon sa tagapagsalita ng kagawarang si Assistant Secretary Irene Dumlao tatanggap ng tig-sampung libong piso ang mga apektadong negosyante. 

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga lokal na pamahalaan ng Pasay at Paranaque, para matukoy ang iba pang apektado ng clearing operations, gaya ng mga ambulant vendor at parking attendant. 

Nilinaw naman ng Malacanang na bahagi ng ipinatutupad na seguridad ang mga naturang operasyon. 

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layon din nitong maging maayos ang daloy ng trapiko, habang idinaraos ang summit. TV Patrol, Martes, 10 November 2026.

Leave a Reply