TV PATROL: Pulis na inaakusahan ng pangungutya itinangging nagbiro sa sinumang fur parent
Nagsalita na ang opisyal ng Bacoor City Police na inakusahang nagbiro sa fur parents tungkol sa abo ng dinosaur.
Ipinasilip din ng pulisya ang CCTV ng himpilan para pasinungalingan ang alegasyon.
Samantala, umabot na sa mahigit 325 ang nagsampa ng reklamong large-scale estafa sa pet crematorium sa Bacoor na itinuturong nagtapon ng bangkay sa San Jose del Monte.
Sa dami ng mga nagrereklamo, magtatalaga na ng one-stop shop sa lungsod para sa legal na tulong sa iba pang fur parents na maaaring biktima ng umano’y panloloko ng crematorium.
Exclusive, nagpapatrol, Michael Delizo. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026