TV Patrol: 6 arestado matapos mangholdap ng covenience store sa Gapan, Nueva Ecija
Arestado ang anim na lalaking nangholdap umano ng isang convenience store sa Gapan, Nueva Ecija.
Kita sa CCTV ang ang panloloob ng mga suspek sa tindahan at ang paggapos sa kahera at mga customer doon.
Nahuli naman ang anim na suspek matapos nilang makipaghabulan sa mga pulis.
Napag-alaman ng awtoridad na sila rin ang grupong sangkot sa mga insidente ng nakawan sa CALABARZON.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Karen de Guzman. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.