TV PATROL: 7 binatilyo nagnakaw sa bodega ng paaralan sa Dumangas, Iloilo
Nagnakaw ang pitong binatilyo sa bodega ng isang paaralan sa Dumangas, Iloilo, nitong Lunes ng madaling araw.
Sa kuha ng CCTV, makikitang isa-isang pumasok ang mga kawatan na nakatakip ang mga mukha gamit ang kanilang damit.
Hinalughog nila ang bodega at tinangay ang iba-ibang gamit bago umalis.
Sa imbestigasyon ng Dumangas PNP, nakuha ng mga suspek ang 19 grinder, dalawang welding machine at mga nakarolyo na kable ng kuryente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at pagtukoy sa mga suspek.
TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.