Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Angelina Jolie kabilang sa mga lumahok sa ASEAN Inclusive Growth Summit

Ilang prominenteng personalidad mula sa negosyo hanggang sa pagkakawanggawa ang dumalo sa ASEAN Inclusive Growth Summit kung saan exclusive media partner ang ABS-CBN. 

Tinalakay sa naturang summit ang papel ng mga maliliit na negosyo, pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, at ang talento ng mga pinoy sa kabila ng mga hamon ng teknolohiya at artificial intelligence o AI.

Lumahok din sa summit ang Hollywood actress na si Angelina Jolie na nagbahagi ng kanyang karanasan sa humanitarian work sa Cambodia at kung paano siya dinala nito sa pag-ampon sa kanyang panganay na si Maddox.

Samantala, ipinagmalaki ng isang pinoy flight attendant ang nakuha niyang autograph mula kay Jolie nang bumiyahe ito papuntang Pilipinas.

TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.

Leave a Reply