TV PATROL: Carmelle todo-ensayo na para sa Eurovision Song Contest Asia
Todo-ensayo at hands-on sa detalye ng choreography si Carmelle para sa nalalapit na Eurovision Song Contest Asia.
Full force din ang ABS-CBN team na nasa likod niya para tulungan siyang maipakita ang galing at talento ng pinoy sa international stage.
Bukod kay Carmelle, iparirinig din sa contest ang pangmalakasang vocals ng iba pang ‘Tawag Ng Tanghalan’ divas.
Magsisilbing backup singers na sina Lyka Estrella at Arvery Love na hindi man makikita sa stage ay pinaghahandaan rin ang pangmalakasang vocals.
Nagpapatrol, Anna Cerezo. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.