Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kulturang Pinoy bida sa International Media Center ng 49th ASEAN Summit

Bida ang kulturang Pilipino sa International Media Center ng 49th ASEAN Summit.

May traditional hilot massage at mayroong LED wall ng mga tanawin sa Pilipinas, may booth para sa libreng tour ng ilang scenic spots sa Maynila gaya ng Intramuros at Fort Santiago, at may dining area kung saan tampok ang pagkaing Pinoy.

Malawak ang IMC kung saan isasagawa ang press briefings ng mga opisyal at magsisilbing headquarters ng libo-libong mamamahayag mula sa iba-ibang panig ng mundo para i-cover ang pagtitipon ng mga world leader.

Sa PICC ang main venue ng summit pero hindi pinapayagan ang lahat ng mga mamamahayag doon.

Live mula sa Pasay City, nagpapatrol si Jervis Manahan. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.

Leave a Reply