TV PATROL: Lalaking humabol sa naka-hit-and-run sa kanyang anak patay matapos bugbugin
Tinutugis na ng mga pulis ang mga nambugbog sa isang lalaki sa Muntinlupa City na nagresulta sa pagkamatay nito.
Napag-alaman na hinabol lamang ng biktima ang kasamahan ng mga suspek, matapos ma-hit and run nito ang kaniyang anak.
Kaya nagsagawa ng follow-up investigation ang mga pulis noong October 26 at ayon sa testigong nakausap ng mga imbestigador, nakita niyang hinahabol ang biktima ng ilang lalaki, kabilang ang isang alyas Rommel, Kevin at ang pangunahing suspek na si alyas Jo.
Ipinag-utos na ng NCRPO ang agarang pagtugis at pag-aresto sa mga responsable.
Pinagpapaliwanag na rin ng lto ang may-ari ng motorsiklo sa November 19.
Naisampa na ang reklamong murder sa laban sa mga nagtatagong suspek.
Nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026