TV PATROL: Mikha Lim humarap sa LTO; suspendido ang lisensya
Dumating sa Land Transportation Office ang BINI member na si Mikha Lim ngayong Miyerkules matapos mag-viral sa social media ang kanyang video na nagva-vlog habang nagmamaneho.
Humarap si Lim sa tanggapan ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao kasunod ng show cause order ng ahensya at pagsuspende sa lisensya ng singer.
Ayon kay Lacanilao, boluntaryong pumunta si Lim bago pa ang nakatakdang schedule sa November 20.
Inaaasahang lalabas ang resolusyon sa insidente sa loob ng isang linggo.
Dagdag ng hepe ng LTO, nagpakita si Lim ng pagsisisi sa nagawa at inamin ang pagkakamali.
TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026