TV PATROL: SB19 kabilang sa star-studded lineup ng Coachella 2027
Matapos gumawa ng kasaysayan ng Nation’s Girl Group BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival ngayong taon, isa pang P-pop group ang magdadala ng Pinoy pride sa sikat na music festival.
Inanunsyo ng organizers na kabilang ang Kings of P-pop SB19 sa star-studded lineup ng Coachella 2027 kung saan headliners sina Dua Lipa, Tame Impala at Sza.
Aabangan ang SB19 sa dalawang weekend run sa April 10 at 17.
Hindi naman naitago ng grupo ang kanilang labis na excitement at agad nag-post para yayain ang mga A’Tin o kanilang fans na magkita-kita sa disyerto.
TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.