Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Taxi driver naglabas ng itak, tinangkang tagain ang rider na nakagitgitan sa Jaro, Iloilo City

Viral sa social media ang pagbitbit ng itak ng taxi driver at pagtangka nitong pagtaga sa isang rider na nakagitgitan sa kalsada sa Jaro, Iloilo City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa video na ibinahagi ng biktima, pumasok ang taxi driver sa loob ng taxi na may bitbit na itak. 

Iwinasiwas pa niya ito sa rider habang may mga pasahero.

Ayon sa rider, biglang nag-cut ang taxi sa kanya na nauwi sa sagutan.

Inireport na ng biktima sa ONO ang nangyari.

TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.

Leave a Reply